Advocacy

Nababahala ang Pilipinong konsyumer sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng pangaraw-araw na gastusin. Ito ang siyang labis na nagpapabigat sa buhay ng bawat pamilya.

Ang misyon ng BK3 ay tumutok, makialam, at magpahayag ng makabuluhang puna at kung kinakailangan, labanan ang mapagsamantalang polisiya o mapangabusong pamamalakad na nagtutulak sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, transportasyon at kuryente.

Abot kaya at makatarungang halaga, kaakabay ng magandang kalidad ng bilihin at serbisyo ay karapatan ng bawat Pilipino.

Ang hangarin ng BK3 ay iparamdam at ipaalam sa mga institusyong gobyerno at pribadong sector na ang kasaganaan ay dapat maramdaman ng lahat.

Walang kinikilingang pagpapatupad sa tamang polisiya at tamang batas ng isang gobyernong may mabuting pamamahala ang pundasyon ng isang masaganang sambayanan.